Inayos na nina Hidilyn Diaz at Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez ang mga bagay-bagay kasunod ng kontrobersyal na social media post ng Pinay weightlifter kamakailan.
Si Diaz, na sinamahan ni AFP Special Services chief Col. Taharudin Ampatuan, ay nakipagpulong kay Ramirez kung saan tinalakay nila ang mga isyu na nag-udyok sa 28-year-old Olympian na humingi ng tulong sa mga private sponsors para sa kanyang pagsasanay.
Pagtitiyak ni Ramirez, patuloy ang suporta ng PSC kay Diaz sa kanyang pangarap na masungkit ang gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics.
Aprubado na rin ayon kay ramirez ang dalawa pang mga request ni Diaz para sa assistance sa kanyang pagsasanay sa China.
“The government will continue to support her,†wika ni Ramirez. “We have pledged our support before and we will continue to do so because we are focused on that Olympic gold as much as Hidilyn is.â€
Sa kanyang Instagram stories, inamin ni Diaz na naghahanap daw ito ng private sponsor dahil sa nagigipit daw ito sa kanyang training.
Sinabi pa ni Ramirez, magkakaroon pa sila ng isa pang pulong ni Hidilyn upang pag-usapan ang iba pang mga aspeto ng kanyang paghahanda sa Olympics.