-- Advertisements --
Arianne Caoili pix
Arianne Caoili/ IG post

Nagluluksa ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagpanaw ni Filipina chess player Arianne Caoili.

Nasangkot kasi ang 33-anyos na chess player sa vehicular accident noong Marso 15 at sumailalim ito ng ilang operasyon bago tuluyang pumanaw.

Siya ang asawa ni Armenian Grandmaster Levon Aronian.

Naging representative ng bansa si Caoili mula taong 2004 hanggang lumipat ito sa Australian federation.

Sa inilabas na pahayag ng PSC, labis ang kalungkutan nila dahil sa pagpanaw ni Caoili.

Nakilala siya kasi na nanguna sa mga kababaihan sa Philippine team sa World Chess Olympiads hanggang 2004 sa murang edad pa lamang.

Siya ang tinaguriang woman International Master hanggang mapangasawa si Aronian noong 2017.