Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang paglabas ng P3.3 milyon para sa mga lalahok sa Beijing Winter Olympics na magsisimula sa Pebrero 4.
Kinumpirma ito ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na siyang nag-request ng pondo.
Tanging si Filipino-Americna alpine skier Asa Miller ang nag-iisang manlalaro ng bansa na lalahok sa nasabing torneo.
Makakasama nito ang sina Chef de Mission Bones Floro, Philippine Ski and Snowboard Federation President Jim Palomar Apelar, COVID-19 liaison officer Nikki Cheng, athlete and administrative officer Dave Carter, athlete welfare officer Jobert Yu at coach nito na si Will Gregorak.
Ito na ang pangalawang pagsabak ni Miller sa Winter Olympics dahil noong 2018 Games sa PyeongChang, South Korea ay sumali ito sa slalom event.
Labis ang pasalamat ni Tolentino sa mabilis na pagpapalabas ng PSC ng pondo.
Magtutungo si Floro sa Beijing sa Enero 27 habang inaasahan na susunod ang ilang deligasyon sa Enero 28.