Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang four-point plan para sa mga nakatutok na aksyon ng ahensya sa mga darating na buwan sa kanyang guesting sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum.
Ang kanyang mga agarang plano ay binubuo ng apat na focus-interest, kabilang dito ang magkaroon ng isang mas mahusay na sistema para sa napapanahong pagpapalabas ng mga allowance ng mga atleta, pagpapabuti ng mga pasilidad, pagkakaloob ng mga pagkain para sa mga atleta, at pag-aalaga sa back-of-house ng Philippine Sports Commission.
Kung matatandaan naglibot si Bachmann sa mga training venue upang tignan ang kalagayan ng mga atletang naghahanda.
Dagdag dito, ininspeksyon din niya ang mga pasilidad na pinamamahalaan ng Philippine Sports Commission, na binibigyang pansin ang mga kagamitang pang-sports na regular na ginagamit ng mga miyembro ng pambansang koponan.
Sa ngayon, ang isa sa pinatutuunan nila ng pansin ay ang mga atletang puspusang naghahanda para sa mga lalahukan nilang national at international competition.