Iginiit ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez na hindi pa umano nagkukulang ang gobyerno sa suportang ibinibigay kay Pinay weightlifter Hidilyn Diaz.
Tugon ito ni Ramirez makaraang umapela si Diaz ng tulong pinansyal para sa kanyang paghahanda sa pagsabak nito sa 2020 Tokyo Olympics.
“The government has been very supportive,” wika ni Ramirez.
Sinabi pa ni Ramirez, isa si Diaz sa mga atletang may pinakamlaking allowance sa national pool.
Bihira lamang din umano na tanggihan ng kanilang tanggapan ang hiling na suporta ng Olympian.
Paglalahad pa ni Ramirez, binigyan si Diaz ng halos P4.5-milyon para sa kanyang pagsasanay sa ibang bansa, partikular sa Hainan at Guangxi, China.
Pinasahod din aniya ng PSC ang banyagang coach ni Diaz na si Kaiwen Gao, at inaprubahan din ang request na funding ng weightlifting national sports associations (NSA) sa mga kompetisyon.
Mayroon din umanong tinatayong bagong weightlifting gym ang PSC sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex para kay Diaz.
“Hidilyn receives support from the PSC and the Philippine Air Force being an enlisted personnel,†anang opisyal.
Dagdag pa ni Ramirez, sa pagkakaalam niya ay mayroong mga private sponsors si Hidilyn gaya ng MVP Sports Foundation at Alcantara and Sons.
“I do not think government was remiss of its support to Hidilyn. Despite what it seems, we at the PSC choose to see her for what she is, a champion we will support on her dream to achieve more,†saad ni Ramirez.
“It would be good for Hidilyn to visit us so we could talk and clarify matters,†dagdag nito.