-- Advertisements --

Kinansela na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng mga sports event hanggang Disyembre dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay PSC Chairman William Ramirez, na ang desisyon ay base na rin sa direktiba na ipinapatupad ng Inter-agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease.

Tumugon din sila sa panawagan ng gobyerno na bawasan ang kanilang gastos at ilaan ang ilang pondo sa paglaban ng pandemic.

Tiniyak din nito na patuloy ang pagbibigay nila ng suporta sa mga miyembro ng national team.