-- Advertisements --
Tiwala ang Philippine Sports Commission (PSC) na hindi bababa sa dalawang gold medals ang makukuha ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics.
Ayon kay PSC Chairman William Ramirez, hindi malayong makuha na ng bansa ang inaasam asam na unang gold medal.
Ilan sa mga atletang may potensiyal na makakuha gintong medalya ay sina Hidilyn Diaz sa weightlifting at Carlo Yulo sa gymnastics.
Target din ng PSC na makapagpadala ng nasa 29 atleta para sa torneyo na magsisimula sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2021.