-- Advertisements --

Kuntento umano ang Philippine Sports Commission (PSC) sa ipinakitang performance ng mga atletang Pinoy na sumabak sa 2019 Arafura Games sa Australia.

Una rito, nagtapos na may 31 gold medals ang Pilipinas, na nagpadala ng 91 athletes para lumahok sa naturang isang linggong kompetisyon.

Sinabi ni PSC national training director Marc Velasco, nakatulong umano nang husto sa mga regional athletes ang patimpalak upang magkaroon ang mga ito ng international exposure.

Ang pagsali rin aniya sa Arafura Games ng bansa ay bahagi ng grassroots development program na ipinatutupad ng PSC.

“Overall, we are very happy and I think the chairman is very satisfied with our performance,” wika ni Manzano.