-- Advertisements --

Makakapagbayad na umano ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga pagkakautang hanggang Decembers 15 nitong taon kaugnay sa hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games (SEA Games).

Ayon sa chairman ng Senate committee on Finance na si Sen. Sonny Angara, pinoproseso na ngayon ang mga papeles at claims sa pagkakautang at maari na raw itong mabayaran sa susunod na buwan.

athletes seag closing

Una rito ilang senador ang umaangal dahil mahigit isang taon na ang SEA Games pero meron pa ring nakabinbin na pagkakautang.

Sinabi naman ni Angara, na nagkwento raw sa kanya si Sen. Bong Go na may mga drivers din na nagrereklamo dahil hindi rin daw nabayaran noong SEA Games matapos arkilahin ang kanilang mga sasakyan.

Una nang naglaan ang gobyerno ng P6.8 billion para sa hosting ng Pilipinas sa biennial event kung saan nag-over all champion ang bansa