-- Advertisements --

Makikipagpulong si Philippine Sports Commission (PSC) William Butch Ramirez sa National Sports Associations at Philippine Olympic Committee (POC) para pag-usapan ang magiging protocol sakaling bumalik na sa normal ang kalagayan mula sa epekto ng coronavirus pandemic.

Sinabi nito na kapag nagbago na ang sitwasyon ay may mga iba’t-ibang protocol silang susundin at ipapatupad.

Kapag nabuo na ang protocol ay agad nila itong irerekomenda sa Inter-Agency Task Force o IATF).

Magugunitang kinansela na rin ng PSC ang maraming mga sports event dahil sa coronavirus pandemic.