Inaprubahan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang P3.2 million na financial request ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) para sa mga pangangailangan sa pagsasanay sa Tokyo, Japan ni Carlos Yulo.
Ang nasabing financial assistance ay binubuo ng living expenses at training needs ni Yulo kabilang na ang rentals ng dalawang gymnastics facilities.
Kasalukuyang nagsasanay kasi si Yulo sa mahigpit na health protocols kasama ang Japanase coach nito na si Munehiro Kugimiya.
Sinabi ni GAP President Cynthia Carrion, na sa nasabing tulong ay magkakaroon na ng alternate training kada araw hanggang Disyembre.
Mula Agosto hanggang Disyembre ay aabot sa P1.8 million ang halaga ng pagrenta nila ng dalawang practice hall habang nasa P1.7 million ang living allowance ni Yulo at P200,000 naman ang miscellaneous expenses nito.
Maglalaan din ang PSC na sports medicine experts team gaya ng psychologist at nutritionist na magbibigay sa Pinoy gymnast ng online service.
Umabot na rin sa P3mllion ang kabuuang gastos ng PSC sa board and lodging ni Yulo sa Japan sa buong taon.