-- Advertisements --
Naniniwala si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann na dapat na talagang magkaroon ng balanseng suporta sa lahat ng uri ng sports.
Kasunod ito sa tagumpay ni Carlos Yulo sa Paris Olympics dahil sa sports na gymnastics.
Sinabi nito na kahit na basketball pa rin ang paboritong sports sa Pilipinas ay mahalaga na magkaroon ng matinding suporta sa mga indibidwal sports.
Naniniwala ito na kapag natutukan at nabigyan ng mga suporta ang ilang mga indibidwal sports ay magtatagumpay ang mga Pinoy.
Nanawagan dini ito sa mga private companies na dapat ay magkaroon ng programa para sa mga silver at bronze medalist at hindi lamang mga gold medalists.