Nangako si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann na pagagandahin niya ang mga pasilidad para sa mga pambansang atleta gayundin sa mga opisina ng komisyon.
Ito aniya ang isa sa determinadong pagtutuunan niya ng pansin sa maikling linggong pamumuno niya sa Philippine Sports Commission.
Bumisita ang sports chief sa training camp sa Baguio City at nakilala ang mga pambansang atleta mula sa boxing, muaythai, at athletics na lalahok para sa Southeast Asian games at iba pang mga torneyo.
Dagdag pa niya, marami pa ang improvements na kailangang gawin ngunit sinisiguro niya na unti-unti itong matutupad sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Sa ngayon, matinding paghahanda ang ginagawa ng iba’t ibang mga atleta na makikilahok sa magaganap na 32nd Southeast Asian Games sa Phnom Penh, Cambodia.