Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang sapat na tulong sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Paris Olympics.
Batay sa naging pahayag ni PSC chairman Richard Bachmann, naghihintay na ang malalaking cash incentiver para sa mga atleta na maaari pang ibigay sa kanila bago pa magsimula ang Olympics.
Sa inisyal na pondo para sa mga insentibo ng mga atleta, mayroon na aniyang commitment ang mga senador at iba pang personalidad, kasama na ang mahigit P30 million na kanyang pinirmahan kamakailan.
Pagtitiyak ni Bachmann, bago pa man sasabak sa laban ang mga magagaling na atleta ay ipapamahagi na sa kanila ang naturang pondo.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 15 Filipino athletes na kwalipikado sa Paris Olympics habang malaki pa ang posibilidad na madadagdagan ang bilang ng mga ito.