Pinaghahandaan na rin ng Philippine Sports Commission ang muling pagsabak ng bansa sa 2028 Los Angeles Olympics.
Ito ay kahit apat na taon pa bago ang naturang turneyo.
Ayon kay PSC Chairman Richard Bachmann, nakahanay na ang pagtutok ng komisyon sa ilang mga inisyal na preparasyon katulad ng ng pagpokus sa grassroots level.
Maliban dito ay pokus din ng komisyon na pagbutihin ang serbisyo ng mga sports facilities sa bansa na magagamit ng mga atleta.
Pero sa kabila ng pokus sa susunod na Olympics, tiniyak naman ni Bachmann na hindi papabayaan ang mga local, regional, at iba pang international sporting events, kabilang na ang mga hosting ng bansa.
Samantala, ngayong taon ay inaasahan naman ng komisyon na magkakaroon ito ng mas malaking budget kumpara sa orihinal nitong hiningi.
Magagamit aniya ang naturang budget para sa pagpapabuti ng sektor ng sports dito sa bansa, tulad ng pag-aayos sa mga sports facilities, training ng mga atleta, at iba pa.