-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanilang buong suporta sa mga atleta na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics.

Ito ay kahit na binawasan na ng gobyerno ang kanilang pondo dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa PSC, nasa P1.3 billion ng kanilang pondo ang inilipat ng Department of Budget and Management (DBM) para sa COVID-19 efforts, P596 naman dito ay mula sa National Sports Development Fund at P773 million naman ang budget ay inilaan para sa General Appropriations Acts.

Dagdag pa ng PSC na hanggang makakaya ng nila ay kanilang susuportahan ang mga atleta.

Pursigido rin si PSC Chairman Butch Ramirez na magpadala ng mas maraming atleta para sa 2021 Olympics.

Ilang mga atleta na tiyak na ang pagsabak sa Olympics ay sina EJ Obiena ng athletics, Eumir Marcial at Irish Magno ng Boxing ganun din sina 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa weightlifting, four-time SEA Games champion Kiyomi
Watanabe sa Judo, 2019 SEAG double-gold medal winner Margielyn Didal sa skateboarding at multi-titled taekwondo Pauline Lopez at Junna Tsukii ng karatedo.