Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na maipapatupad na ang pagbibigay diskuwento sa mga atleta sa sususnod na taon.
Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez, na gumagawa na sila ng hakbang para maipatupad ang Republic Act 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentive Act.
Dagdag pa nito na bagamat na matagal na ang nasabing batas kaya nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang ahensiya para maipatupad na ito.
Umaasa ito na sa 2020 ay tuluyan ng kikilalanin ng mga establishimento at mga pampasaherong sasakyan ang nasabing batas.
Hinihintay na lamang nila ang paglalabas ng Revenue Regulation ng Bureau of Internal Revenue para sa final implementation ng batas.
Mabibigyan kasi ng 20 % ang mga atleta sa lahat ng public transportation, hotels, restaurants, recreation centers, pagbili ng mga gamot at mga sports equipment sa bansa.