-- Advertisements --
Pinawi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman at chef-de-mission William “Butch” Ramirez ang pangamba ng publiko sa kabila ng pag-amin nito na kinakapos na sila ng panahon sa paghahanda sa 2019 SEA Games.
Sinabi ni Ramirez sa panayam ng Bombo Radyo na bagama’t mahirap ang procurement process para sa mga pasilidad sa malaking sporting event, may mga nakikita naman silang alternatibo.
Kabilang na rito ang pagrenta ng ilang gamit mula sa mga pribadong tanggapan.
Pagtitiyak ng PSC official, tuloy ang SEA Games at malalagpasan daw ang mga hamon sa paghahanda para sa nasabing aktibidad.