Kumpiyansa ang Philippine Sports Commission (PSC) na mareresolba nila ang anumang gusot mula sa World Anti-Doping Agency (WADA).
Itinuturing kasi na banta ang nasabing problema sa mga atleta na bansa kung saan maaaring pagbawalan ang mga ito na makipagkumpetensiya sa ibang mga bansa.
Ayon kay PSC chairman Richard Bachman, na tumutulong na ang MalacaƱang sa legislative requirements ng WADA.
Dagdag pa nito na para matiyak na sumusunod sila sa panuntunan ng WADA ay kailangan ng bansa na pagpapalakas ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO).
Magugunitang sinulatan ng WADA ang PSC noong Enero matapos ang makailang ulit na paalala noon pang Setyembre ng nakaraang taon dahil sa bigong pagsundo sa WADA code.
Kapag nabigo silang sumunod ng 21 araw ay maaaring hindi mapayagan ang bansa na makalahok sa anumang international events.