-- Advertisements --

Naglabas ng pagbabala ang Philippine Stock Exchange (PSE) sa publiko ukol sa paglaganap ng mga pekeng cryptocurrency investment scheme.

Ang nasabing mga pekeng cryptocurrency investment scheme aniya ay gumagamit pa ng logo ng PSE.

Nagsimula aniya ito sa isang online advertisement kung saan hinihikayat nila ang mga investors na maglagay ng pera sa pamamagitan ng PSE.

Tinatawagan ng mga suspek ang nasabing mga biktima para hikayatin na magdagdag ng mga pera sa kanilang mga electronic wallets.

Paglilinaw nila na wala silang anumang pinapahintulutan na gumamit ng kanilang logo at hindi sila nagbebenta ng crypto currencies.