CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangunahan ng Presidential Security Group ang pagbibigay seguridad habang nakakalat ang 500 pulis sa mga dadaluhan na mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at First Lady Liza Marcos sa ilang bahagi ng Northern Mindanao itong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Major Joann Navarro na mismo na ang mga tauhan ng Presidential Security Group ang nangangasiwa sa kabuuang seguridad ng first couple habang local security back-up sila.
Partikular na tinukoy ni Navarro ang pagpunta ni Marcos sa Aquilino Pimentel Jr International Convention Center ng Barangay Indahag at University of Science and Technology of the Philippines (USTP) gymnasium ng Recto Avenue ng syudad lahat nitong araw.
Salaysay ng PRO 10 na mas mauna ang pagpunta ng pangulo sa Mindanao State University -Iligan City Campus bago ang pagpunta sa convention center at USTP gym upang maisagawa ang nakalinya na mga aktibidad.
Una nang naka-schedule mamimigay ng presidente ng cash assistance ng halagang tig-sampung libo piso para sa libu-libong magsasaka at mangingisda na masyadong apektado ng El NiƱo phenomenon sa rehiyon.
Magugunitang maliban sa cash distribution ni Marcos ay hanggang bukas pa ang presensiya ng ibang national line agency officials dahil sa 2-day Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na isinagawa nitong syudad.