-- Advertisements --
Naghigpit ang Presidential Security Group (PSG) sa mga lalapit at makakasalamuha ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PSG Commander Col. Jesus Durante, na dapat dumaan sa rapid test ang mga lalapit sa pangulo.
Isasagawa ito ng mga PSG Task Force COVID medical team habang ang polymerase chain reaction o RT-PCR test kits ay gagawin naman sa RITM.
Sa loob lamang ng 15 minuto ay agad na makukuna ang resulta ng rapid test kits.
Agad na pagbabawalan ang sinumang indibidwal na nakitaan ng sintomas na makalapit sa pangulo.
Lahat ng mga inbidwal maging mataas na opisyal ay hindi makakalusot sa nasabing testing.