-- Advertisements --

Sinagot ng Presidential Security Group (PSG) ang batikos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa paggamit nito ng helicopter para manood sa concert ng British band na Coldplay nitong Biyernes sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ayon kay PSG commander Jesus Nelson Morales na dahil sa inaasahang matinding trapiko bunsod ng dami ng manonood ng konsiyerto kaya minabuti nila ng mag-helicopter.
Isang banta sa seguridad ng pangulo ang maipit sa trapiko kay nagdesisyon sila sa na gamitin na ang helicopter.

Humingi na lamang ito ng pang-unawa sa publiko na mahalaga na protektahan ang kaligtasan ng pangulo.

Magugunitang isa si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos sa ilang libong nanood sa unang gabi ng konsiyerto ng Coldplay na umani naman ng batikos mula sa ilang mamamayan.