-- Advertisements --

Nakatakdang lumipat na sa Real Madrid Football Club si Paris St-Germain striker Kylian Mbappe.

Kasunod ito sa pagtatapos ng kaniyang kontrata sa buwan ng Hunyo.

Maaring sa mga susunod na araw ay pormal na iaanunsiyo ng koponan ang nasabing paglipat ng 25-anyos na striker.

Nakatakda itong pumirma ng limang taon na kontrata na nagkakahalaga ng mahigit $16 milyon kada seaso at $16-M na signing bonus na babayaran sa loob ng limang taon.

Ang World Cup winner ay record goalscorer ng PSG na mayroong kabuuang 244 goals.