-- Advertisements --

Plano ng Philippine Superliga (PSL) na magsagawa ng Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic Bay Metropolitan Authority sa buwan ng Nobyembre.

Sinabi ni league commissioner Ian Laurel, nakatanggap na sila ng approval sa Inter-Agency Task Force na isagawa ang “bubble” tournament.

Ilan sa mga tentative na schedule ay sa Nobyembre 26-29.

Itinuturing kasi na pandemic-ready kasi ang subic at doon aniya ginanap ang volleyball game ng Southeast Asian Games.

Inaasahan na nasa 150 katao ang sasama sa bubble at mananatili ang mga ito sa dalawang hotel sa Subic Bay.

Mahigpit din aniya sila magpapatupad ng health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.