Hinihimok ng ANAKALUSUGAN Partylist ang PhilHealth na isama ang Psoriasis patients sa coverage ng nasabing ahensya.
“Psoriasis is a chronic autoimmune skin disease that affects millions of Filipinos and can have a significant impact on productivity and quality of life. Philhealth should move towards its coverage now,” ayon kay ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes.
Base sa datos ng World Health Organization, halos nasa 3% ng kabuuang populasyon sa buong mundo ang nasabing skin disease samantalang sa Pilipinas ay nasa halos 1.2 million ang naitalang kaso nito.
Sa pamamagitan umano ng pagsama nito sa Philhealth’s Universal Health Care Program masisiguro na ang mga Pilipino ay may sapat na access sa kinakailangan nilang tulong pagdating sa kanilang iniindang sakit.
Malaki din umano ang gastos sa pagpapagamot ng psoriasis at siguradong makakaapekto ito sa mga nasa lower at maging middle class ng bansa.
“I urge Philhealth to recognize the urgency of providing coverage for psoriasis and take swift action to ensure that all Filipinos have access to the care they need,” dagdag pa ni Rep. Reyes.