-- Advertisements --
Kinatigan ng korte ang inihaing motion ng kampo ni P/Supt. Rafael Dumlao na isa sa mga suspek sa pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo sa loob ng Kampo Crame.
Ayon kay PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) director SSupt. Glen Dumlao na bandang ala-1:00 kaninang hapon ng ibalik ang warrant of arrest na inilabas ng Angeles City RTC Branch 58 laban kay Supt. Rafael Dumlao.
Sinabi ni S/Supt. Glen Dumlao, kinatigan ng korte ang inihaing motion ng kampo ni Rafael Dumlao sa pamamagitan ng abugado nito.
Ipinag-utos ng korte na sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame ikukulong si Rafael Dumlao.
Kahapon, bandang alas-5:20 ng hapon na-turn over ng PNP AKG si Col. Rafael sa Custodial center na tinanggap naman ni P/Supt. Arnel Apud.