Patong-patong na kaso ang isasampa ng Pambansang Pulisya laban sa babaeng police colonel na naaresto dahil sa pakikipag sabwatan sa bandidong Abu Sayyaf.
Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na bini-build up na ngayong ng CIDG at PNP Legal Service ang mga kasong pwedeng isampa laban kay P/Supt. Maria Christina Nobleza.
Sinabi ni Dela Rosa na lahat ng posibleng kaso na isampa laban sa police official ay kanilang isasampa sa korte lalo na sa kasong kriminal.
Sa administrative case na kaniyang kahaharapin ay kaniyang sisiguraduhin na masisibak ito sa serbisyo pero dadaaan ito sa due process.
Inihayag ng PNP chief na ang mga posibleng kaso na isasampa laban kay Supt. Nobleza ay ang illegal possession of firearms, harboring a criminal at conspiracy to commit terrorism.
Aniya, taong 2013 pa nagsimula ang relasyon nina Nobleza at Ren Ren Dungon na isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.
Kwento ni Bato na nagsimula ang relasyon ng dalawa ng makulong si Dungon dito sa Camp Crame na nahulihan ng ng mga bomb making materials.
Tinukoy din na si Dungon ang responsable noong 2013 na may sumabog sa Cagayan de Oro city.
Sinabi ni Dela Rosa na si Nobleza ay naka destino noon sa PAOCC na siyang inatasan para mag interview kay Dungon pero dito na nagsimula ang kanilang bawal na pagmamahalan dahil si Nobleza ay kasal.
Pahayag ni PNP chief na isang opisyal ang asawa ni Nobleza na siyang police attache ngayon na naka assign sa Pakistan.