Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development ang pagsasagawa ng Psychological First Aid para sa mga kabataang naipit sa armed conflict sa Agusan del Norte.
Aabot sa 17 social worker at development worker ang idineploy ng ahensya sa naturang lalawigan para matiyak ang kapakanan ng mga kabataang nakaranas ng trauma o emotional toll dahil sa ng naganap na kaguluhan sa lugar kamakailan.
Sa isang pahayag, sinabi ng DSWD, na ang Psychological First Aid (PFA) sessions ay isinagawa sa Doña Telesfora Elementary School na mayroong 332 na mga estudyante ang nakilahok.
Ang naturang mga eskwelahan ay malapit lamang sa nangyaring sagupaan ng mga tropa ng Militar at mga miyembro ng NPA.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez ang inisyatibong ito ay layong matulungan ang mga kabataan na malmapasahana ng lanilang traumatic experience dahil sa naturang armed conflict.
Sa naging assessment ng DSWD, lumalabas na walang anumang senyales ng ‘extreme stress’ sa mga kabataan sa nasabing paaralan .
Siniguro naman ni Asec. Lopez na ang kanilang ahensya ay mananatiling naka focus sa pagtugon sa pangangailangan ng mga indibidwal sa mga lugar na mayroong armed conflict o mga conflict-affected at vulnerable areas.