-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagalak subalit hindi pa umano tapos ang trabaho ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) sa paghabol sa mga responsable sa mga insidente ng media killings sa Pilipinas.

Kasunod ito ng inilabas na tala ng Committee to Protect Journalists (CPJ) kung saan laglag sa Top 5 at dumausdos sa ikapitong pwesto ang bansa sa listahan ng Global Impunity Index para sa 2020.

Inihayag ni PTFOMS Executive Director Usec. Joel Sy-Egco sa Bombo Radyo Legazpi, ang Pilipinas ang may pinakamalaking improvement sa listahan ng mga unresolved media killings na mula sa 41 noong nakaraang taon, nasa 11 na lamang ngayong taon.

Naniniwala si Egco na malaki rin ang kinalaman sa bagong ranking, ng pag-convict sa mga mastermind ng itinuturing na pinakamalalang election-related violence sa bansa, ang Maguindanao Massacre.

Sa kabilang dako, nananatiling malungkot si Egco sa kabila ng improvement lalo pa’t nasa Top 10 pa rin ang bansa sa tagal ng aksyon sa kaso ng mga media killings.