-- Advertisements --
Sisimulan muli ni Pope Francis simula sa buwang ng Setyembre ang kaniyang limited public weekly audience.
Ito ay halos anim na buwan matapos na itigil ng Santo Papa ang ilang public engagement dahil sa coronavirus pandemic.
Gagawin na lamang ang nasabing public appearance sa Apostolic Palace mula sa dating St. Peter’s Square.
Magiging limited lamang sa 500 katao ang papayagang pupunta sa nasabing public event ng Santo Papa.