-- Advertisements --

Muling binuksan ng National Telecommunications Commission ang kanilang Public Assistance Operation ngayong Undas 2024.

Batay sa inilabas na memorandum ng ahensya, ipinag-utos ng NTC sa lahat ng kanilang mga Regional Directors na makipag- coordinate sa NDRRMC, Civic Action Groups at maging sa mga Amateur Radio Groups.

Inatasan rin ng NTC ang mga direktor na magpalabas ng temporary permit at licenses kung kakailanganin.

Layon nito na masiguro ang kaligtsan ng mga byaherong pauwi at pabalik ng kani-kanilang mga probinsya.

Naglabas rin ang ahensya ng direktiba sa lahat ng kanilang Regional Offices na makipag ugnayan sa mga himpilan ng radyo, telebisyon, at mga operator ng cable TV upang ihatid ang mga mahahalagang impormasyon sa mga mamamayan.