Public awareness ukol sa PH claim sa WPS, idadaan ng PCG ng fun run sa CdeO
CAGAYAN DE ORO CITY – Pinawalak pa ng gobyerno ang pagpapalaganap ng tamang impormasyon patungkol sa isyu ng West Philippine Sea na sapilitan inangkin ng China gamit ang labis na puwersa mula sa tunay na may-ari ang Pilipinas.
Kaugnay ito nang pagpalawak ng Philippine Coast Guard ng ‘rightful information dessimination’ ukol sa legal claim ng Pilipinas sa mga isla na kinuha ng puwersahan ng Tsina.
Sa pagharap ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tristan Tarriela sa local counterparts nitong syudad,ipinaliwanag nito na layunin ni President Ferdinand Marcos Jr na pukawin ang pagiging nasyonalismo ng mga kababayan pagdating sa nabanggit na isyu.
Ito ang dahilan naisipan ng national government na idaan sa Takbo para sa West Philippine Sea ang paghimok ng publiko na makilahok upang magkaroon ng malakas na boses at paninindigan para i-depensa ang sariling bakuran na inaagaw ng harapan ng banyagang-puwersa.
Ilulunsad ang Takbo para sa West Philippine Sea sa Cagayan de Oro City sa darating na Setyembre 8,araw na Linggo ng madaling araw.
Magugunitang unang isinagawa ang nabanggit na fun run sa Imperial Manila na sinundan sa Cebu City at pumasok nitong syudad at maging sa Zamboanga City.