KALIBO, Aklan – Ipinagbabawal ang public display of affection (PDA) sa beachfront sa isla ng Boracay.
Ayon kay Police Lt. Col. Jonathan Pablito, hepe ng Malay Municipal Police Station na bawal ang PDA ng dalawang tao katulad ng holding hands at paghahalikan upang maipatupad ang physical distancing bilang pag-iingat sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Hiniling rin nito na patuloy na sundin ang mga local ordinances na nakatutok sa pangangalaga sa isla lalo na ang pagkakalat, paninigarilyo, pagkain at pag-inom ng alak sa beach at iba kasunod ng pagdeklara sa lahat ng mga lugar sa isla bilang “Discipline Zone.”
Limitado rin aniya ang operasyon ng mga bars sa isla upang maiwasan ang mass gathering at pagdikit-dikit ng mga tao lalo na kapag lasing na.