BAGUIO CITY – Patuloy na inirereklamo ng mga concerned citizens ang presensiya ng Public Display of Affection (PDA) ng mga magkakapareha sa mga pampublikong lugar sa Baguio City lalo na sa tanyag na Burnham Park.
Ayon sa isang concerned citizen na nakapanayam ng Bombo Radyo, hindi na komportable ang mga magulang na ipasyal ang kanilang mga anak sa parke lalo na sa bahagi ng Children’s Park dahil nakikita doon ang paghahalikan, pagyayakapan at iba pang malalaswang ginagawa ng mga magkakapareha.
Aniya, hindi na mga bata ang pangunahing gumagamit sa parke kundi ang mga adult na.
Iginiit nito na nasisilbi ng dating area ang Children’s Park kaya’t sinabi niya na hindi na ito magandang pasyalan ng mga bata.
Sinabi pa nito na may mga guwardiya namang nakabantay sa parke ngunit hindi nila sinisita ang mga magkakapareha na gumagawa ng malaswa.
Sa ngayon ay patuloy na isinusulong sa Baguio City Council ang panukalang magbabawal sa anumang uri ng PDA sa mga parke sa Baguio City na kilala bilang City of Pines o Summer Capital of the Philippines.