LA UNION – Pabor ang Public Employment Service Office La Union sa deployment ban na ipinatupad ng pamahalaan laban sa mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Kuwait.
Kasunod ito ng pagkamatay ng OFW na si Jeanylyn Villavende.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay PESO La Union manager Charito Dator, inihayag nito na positibo ito sa ginawang hakbang ng pamahalaan.
Sinabi nito na sa pamamagitan ng deployment ban ay mapoprotektahan ang mga may plano na magtungo sa nasabing bansa upang magtrabaho.
Dagdag pa nito, mangilanlan na rin ang nag-a-apply sa Middle East dahil sa iba’t ibang kaguluhan doon.
Samantala, hati naman ang reaksyon ng mga OFWs hinggil sa pagpapatupad ng deployment ban.
Gayunman, iginiit ni Dator na kailangan protektaran ang mga OFWs sa ibang bansa mula sa pagmaltrato at anuman uri ng diskriminasyon.