Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang public health director ng California na si Dr. Sonia Angell.
Hindi naman nito binanggit ang sanhi ng pagbibitiw nito sa puwesto.
Ayon naman sa ilang opisyal ng California na itinuturong dahilan ng kaniyang pagbibitiw ay ang kuwestiyonableng paglalabas ng mga datus sa kaso ng coronavirus.
Noong nakaraang mga araw kasi ay inanunsiyo ng mga opisyal na nagkaroon ng computer glitch sa reporting system dahil sa underreporting ng COVID-19 cases.
Lumalabas sa datus ng Health and Humang Services Secretary na ang computer bug ay nagdulot sa backlog ng mahigit 300,000 na records.
Dahil dito ay nagdulot ito ng kalituhan sa mga rehiyon sa tuluyang pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Naging malaking papel ni Dr. Angeli sa pagtugon ng California sa pandemic kung saan lagi itong nakikita kasama ni California Governor Gavin Newsom sa mga pampublikong lugar.