-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Georgia ang kanilang public health emergency hangggang sa Nobyembre.
Ayon kay Georgia Governor Brian Kemp, na magiging epektibo mula Oktubre 15 hanggang Nobyembre 9 ang nasabing public health emergency.
Laman ng kautusan na papayagan ang mga manggagawa sa mga restaurants at bars na makabalik sa trabaho kapag wala na silang sintomas ng coronavirus.
Walang anumang pagbabago sa naunang restriction na ipinatupad gaya ng pagsusuot ng face mask sa publiko at physical distancing.