-- Advertisements --

Magsasagawa ng public hearing ang Metro Manila wage board hinggil sa inihaing petisyon ng ilang grupo para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa gitna ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sa isang statement ay sinabi ni Metro Manila director of the Department of Labor and Employment (DOLE) Sarah Buena Mirasol na nakatanggap ang board ng tatlong petisyon para sa wage hike ng mga manggagawa, at batay aniya sa kanilang mga pagsusuri ay napagdesisyon nito na maglabas ng resolusyon na pagsasama-samahin ang lahat ng ito at dinggin sa isang public hearing.

Sa ngayon ay wala pang itinatakdang araw at oras ang kagawaran para sa nasabing pagdinig.

Ayon kay Mirasol, maglalabas ang DOLE ng notice of public hearing upang imbitahan hindi lamang ang mga labor, at employers sector kung pati na rin ang iba pang mga organisasyon.

Pagkatapos yan ng kanilang gagawing konsultasyon sa mga employer sa April 19.

Magugunita na kamakailan lang ay ibinasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang hiling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdagan pa ang P470 ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).