Isasagawa sa virtual public hearing ng panukalang implementasyon ng SIM registration law sa darating ng Disyembre 5.
Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) na kapag matapos na ang public hearing ay isang technical working group hearing ang isasagawa bago ilabas ang Implementing Rules and Regulation sa Disyembre 12.
Sa nasabing hearing ay papayagan ang mga stakeholders at publiko na magkomento sa panukalang guidelines na inihanda ng techical working group.
Natapos na rin ng NTC ang dalawang technical working group meetings ngayon linggo kung saan may mga panuntunan na silang naisip.
Nakasaad sa panukalang IRR na ang SIM registration ay isasagawa ng hanggang 300 araw kapag naaprubahan ang extension nito habang ang lahat ng mga unregistered SIMS ay made-deactivate matapos ang limang araw mula sa registration period at kapag ang user ay bigong iparehistro ito at ipareactivate.
Target nila na magsimula ang registration sa Disyembre 27 kapag nailathala na ang IRR nito sa Disyembre 12.