Tuloy na ngayong lingo ang nakatakdang pagdinig sa minimum wage adjustment para sa mga mangagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Bienvenido Laguesma, didinggin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (NCR-RTWPB) ang petisyon na una nilang natanggap noong May 24, 2024 mula sa grupong Unity for Wage Increase Now (UWIN).
Ang naturang grupo ay humihiling ng gawing P597 ang daily minimum wage para sa mga mangagawa ng pribadong sektor sa Metro Manila.
Sa kasalukuyan ang minimum wage sa NCT ay P610 kada araw para sa non-agriculture sector habang P573 para sa mga mangagawa sa agri, service, at retail, na mayroong 15 employees o mas mababa.
Ayon kay Laguesma, kailangang mapakinggan ang dahilan ng grupo ukol sa naturang petisyon, kasama na ang iba pang petisyon na inihain din ng ibang labor groups.
Maalalang noong July 2023 ang huling pagkakataon na nagkaroon ng wage increase sa NCR.
Ang naturang wage increase ay kasabay na rin ng pag-isyu ng mga wage order ng lahat ng 16 RTWPB sa buong bansa kung saan nagkaroon ng dagdag na mula P30 hanggang P89 ang arawang sahod ng mga mangagawa sa ibat ibang rehiyon sa buong bansa.