-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inilunsad na kahapon ang hyrid public hearing para sa amendment at revision ng 1987 Constitution, sa pangunguna ni Senator Robinhood ‘Robin’ Padilla. Sinamhan din sya ng iba’t ibang panelists kabilang sina Sen. Francis Tolentino, Sen. Bong Go at mga kinatawan ng Bangsamoro Autonomous Region, Davao City Chamber of Commerce, Mindanao Development Authority, National Economic Development Authority, Department of Agriculture, European Chamber of Commerce at iba pa.

Ibinunyag ni Sen. Robin Padilla sa ginanap na pagdinig sa isang hotel, sa lungsod ng Davao na malaking tulong sa ating ekonomiya ang ammendement ng 1987 consitution lalong-lalo na sa pagbubukas ng maraming trabaho at oportunidad sa ating bansa.

Dagdag pa sa senador na sa 83 ekonomiya sa buong mundo, pangatlo ang Pilipinas sa bansa na may pinakamahigpit na polisiya at batas kaya nahihirapang pumasok ang mga dayuhang direktang mamumunohan.