-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Namatay habang ginagamot sa intensive care unit (ICU) ng Iloilo Doctors Hospital ang isang public health nurse ng local government unit (LGU) sa Numancia, Aklan, dahil sa sakit na dengue.

Nabatid na ilang araw na nasa ICU si Edniel Gamboa, residente ng Capitol Site sa bayan ng Kalibo, bago binawian ng buhay dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Nabatid na binalewala lamang ni Gamboa ang kaniyang naramdamang lagnat dahil binigyan nito ng atensiyon ang pagbantay sa kaniyang inang may sakit.

Kinalaunan ay humina ang kaniyang pangangatawan at nang magpakonsulta sa doktor ay kinumpirmang mayroon siyang dengue.

Mababa na ang kaniyang blood platelet kaya agad siyang dinala sa Iloilo City ngunit hindi rin nakaligtas sa nakamamatay na sakit.