-- Advertisements --
new CJ Peralta

Tuloy na tuloy na sa Marso 10 ang public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) sa para sa mga naghahangad na susunod na chief justice ng Supreme Court (SC).

Ito ay dahil na rin sa early retirement ni Chief Justice Diosdado Peralta sa darating na March 27.

Kinumpirma naman ni SC Spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka na tatlo lamang mula sa limang most senior justices ng Korte Suprema ang nakapagsumite ng documentary requirements.

Ito ay sina Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe, Associate Justice Alexander Gesmundo at Associate Justice Ramon Paul Hernando.

Hindi naman mabatid kung bakit hindi nagsumite ng kanilang requirements sina Justices Marvic Leonen at Alfredo Benjamin Caguioa.

Sa ilalim ng JBC rules, otomatikong kasama sa mga aspirante sa chief justice position ang limang most senior justices ng Korte Suprema.

Kung maalala, sa susunod na taon pa sana magreretiro ang Ilokanong chief justice pero noong Disyembre nang nagpaalam ito sa mga kapwa niya mahistrado na mapapaaga ang kanyang pagreretiro.

Agad namang inaprubahan ng JBC ang kanyang early retirement sa Marso 27.