-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nalalagay ngayon sa kontrobersiya ang lungsod ng Iloilo matapos mabulabog ang ginagawa umanong prostitusyon sa loob ng isang public market.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nestor Canong pinuno ng Task Force on Moral Values and Formation ng Iloilo City government, sinabi nito na matagal nang ginagawang sex den daw ang Iloilo Terminal Market na siyang pinakamalaking palengke sa Iloilo.

Ayon kay Canong, ang ikalawang palapag ng nasambing palengke ang ginagawang motel kung sa saan sa halagang P200 maaari ng makapagrenta ng isang kwarto.

Isang bading umano ang nagsisilbing bugaw ng mga sex slaves na kinabibilangan ng mga menor de edad na babae at lalaki.

Nagawa namang mailigtas ng mga otoridad ang mga binubugaw na menor de edad kung saan karamhihan sa mga ito ay pawang mga lalaki.

Patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang bugaw na tumakas bago pa man ang isinagawang operasyon.