-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Iniimbestigahan ng Bureau of Fire and Protection (BFP) Mankayan ang nangyaring insidente ng sunog sa mismong Lepanto Public Market sa Mankayan sa lalawigan ng Benguet kahapon.

Ayon kay Clyde Steven Cawid Wayagwag, isa sa mga nakakita ng sunog, nahirapan umano ang mga otoridad sa pag-apula sa apoy dahil sa laki at lawak ng nasaksam nito sa parte ng merkado.

Ibinahagi rin ng isa sa mga nagrespondeng miyembro ng Mankayan-BFP na nagsimula ang sunog dakong alas-11:56 ng umaga at idineklarang fire out pasado alas-2:00 ng hapon.

Wala pang naitalang sugatan sa insidente batay sa inisyal na imbestigasion ng mga otoridad.

Ayon pa sa nakasaksi ng insidente, matagal na umano ang palengke at ngayon lamang nangyari ang insidente.