BAGUIO CITY – Mahigit sa 300 mga daga na ang nahuli sa Baguio City Public Market bilang bahagi ng rat catching challenge na kung saan ay mananalo ng P20,000 ang area sa palengke na may makakahuli ng pinakaramaing daga sa lugar habang nasa P10,000 naman ang maipapanalo ng susunod na may pinakamaraming huli sa nasabing peste.
Ayon kay city market supervisor Fernando Ragma Jr., may naidagdag nang 186 na bilang ng mga daga na nahuli at nasa kabuuang 317 na ang ihahatid sa City Veterinary Office.
Saad ni Ragma, “vendors are very cooperative and it seems they are enjoying the competition We also reminded vendors to also exercise precautionary measures for their safety and health.”
Dagdag aniya sa tulong ni Allan Abayao, business permits and licensing officer sa lungsod, pinayagan nila umano ang mga nagbebenta ng mouse trap na magbukas upang mapagbentahan ang ilang mga tindero at tindera.
Nagbigay din naman umano ang City Veterinary Office ng mas malalaki pang paglalagyan upang tulong sa mga naghuhuli sa peste.