Isinusulong ng ilang mambabatas ang pagkakaroon ng Public Muslim Prayer Room kasabay ng pagsisimula ng Ramadan ngayong araw.
Ang pagkakaroon raw ng Muslim Prayer Room sa pampublikong lugar maging sa mga opisina ay mahalaga para sa mga Muslim dahil isa ito sa pagpapakita nila ng kanilang pananampalataya at debosyon kay Allah.
Ngayong araw ay simula ng Ramadan, marami nang mga Muslim ang nagsisimula sa kanilang pag aayuno.
Ang pag diriwang ng ramadan ay tuwing ika-9 na buwan sa Islamic calendar at tumatagal ito ng isang buwan.
Ang pag fasting, pananalangin at reflection ang pangunahing ginagawa ng mga Muslim sa pagdiriwang.
Kasabay nito, ay nagtalaga ang Kongresso ng kauna-unahang Muslim Prayer room para sa mga members, employees at pati na rin sa mga bisita.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, nawa’y magbigay umano ng mensahe ito sa bawat Pilipino na ang Kongreso ay nirerespeto ang bawat relihiyon.
Ito rin raw ay simbolo ng kanilang pagkakaisa.
Sa ngayon ay payapa at organisado naman ang pagdiriwang dito, mayroon ring kapulisan na naglilibot dito sa lugar.
Dahil nga sa medyo maluwag na ang COVID-19 restrictions, malaya nang nakakapunta ang mga Muslim sa Golden Mosque umabot na nga sa halos 5,000 ang pumunta simula ng moon sighting kagabi.