Hinatulan ng kabuuang 11 taong pagkakakulong ang public school principal ng Virac, Catanduanes dahil sa umano’y pamemeke ng mga dokumento at pagkuha ng P5,000 mula sa pondo ng gobyerno.
Matapos aprubahan ng Sandiganbayan ang desisyon ng Virac Regional Trial Court (RTC) Branch 42 noong Pebrero 12 na nagpasya na nagkasala si Anchelita Sicio, principal ng Taytay Elementary School, sa kasong malversation at falsification ayon.
Para sa kasong malversation, inaprubahan ng anti-graft court ang sentensiya ng RTC na nagtakda ng apat na buwan hanggang isang araw at tatlong taon na pagkakabilanggo.
Kasama rin sa parusa ang disqualification ni Sicio sa pagtanggap ng anumang posisyon sa gobyerno at isang multa na P5,000.
Nagpataw din ang Sandiganbayan ng karagdagang multa na P5,000 bilang civil liability, katumbas ng halagang binulsa umano nito.
Para naman sa kasong falsification, binago ng Sandiganbayan ang desisyon ng RTC kung saan guilty si Sicio sa kasong falsification. Dagdag pa ng anti-graft court, si Sicio ay dapat mahatulang nagkasala sa pamemeke ng dokumento bilang isang public official, na may mabigat na parusa.
Dahil dito, binago ng Sandiganbayan ang sentensiya ni Sicio sa kasong falsification mula sa apat na buwan at isang araw hanggang tatlong taon, anim na buwan, na pagkakabilanggo, ay binago sa anim na buwan isang arw at walong taon.
Nagpataw din ang korte ng multa na P3,000 laban kay Sicio.
Ayon sa mga rekord ng korte, si Sicio ay nagsagawa ng falsification sa isang sales invoice upang magmukhang bumili ang paaralan ng 28 sako ng semento na nagkakahalaga ng P7,000, samantalang walong sako lamang umano na nagkakahalaga ng P2,000 ang tanging binili ng principal.
Nalaman pa ng korte na hindi naipaliwanag ni Sicio ang nawawalang P5,000, na bahagi ng financial assistance na ibinigay sa paaralan mula sa lalawigan ng Catanduanes.