-- Advertisements --

Nilagdaan na ngayong araw ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11966 o ang Public-Private Partnership Code of the Philippines.

Pormal na isinagawa ng seremonya sa headquarters ng National Economic and Development Authority sa lungsod ng Mandaluyong kaninang alas 11 ng umaga.

Nanguna sa naturang ceremonial signing sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan .

Kabilang rin dito si Public-Private Partnership Center Executive Director Ma. Cynthia Hernandez kasama ang iba pang mga opisyal at kawani.

Dumalo rin para saksihan ang naturang kaganapan sina Senate Deputy Majority Leader, Senate Committee on Local Government at Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chair JV Ejercito at House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda.

Naroon rin si House Committee on Public Works and Highways at Surigao 1st District Representative Romeo Momo, at iba’t ibang stakeholders.

Kung maaalala, noong nakalipas na taon ay ganap na nilagdaan ang Public-Private Partnership Code.

Layon nito na palakasin ang investment ecosystem ng bansa at makalikha ng mas matatag na mga panuntunan upang makapaghatid ng mas maraming oportunidad at trabaho para sa mga mamamayang Pilipino.